Tricycle driver patay sa riding-in-tandem

PATAY ang isang tricycle driver nang barilin ng isa sa dalawang hindi pa kilalang suspek sa Caloocan City Sabado Hulyo 7, ng hapon.

Dead on the spot si Noel Garcia, 53 ng Langaray st., ng lungsod sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan .

Batay sa ulat, kababa ng pinapasadang tricyle ang biktima sa tapat ng palengke ng Langaray nang pagbabarilin ng gunman.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Inaalam na ng pulis ang motibo sa nasabing pamamaslang.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply