Trike bumangga sa bus: 3 todas

TATLO katao ang patay makaraang bumangga ang isang tricycle sa isang bus kaninang alas-3:55 ng madaling araw sa bahagi ng Purok 2, Barangay Busay, bayan ng Daraga, Albay.

Kinilala ang mga biktima na sina Levy Tolentino at Armando Tonga, kapwa residente ng P7 Brgy. Malipot Guinobatan at Robert Secretario, residente ng Travesia, Guinobatan, Albay.

Nakilala ang biktima base sa ulat ng awtoridad at sa pamamagitan na nakuhang identification sa kanila. Gayunman, bineberikapa ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply