Trike driver binoga sa ulo, patay

ILOCOS, Sur – Patay ang isang tricycle driver matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek sa Zone 5, Bangued, Abra.

Kinilala ng Bangued Philippine National Police (PNP) ang biktima na si Jose Ballallua, 46, ng Libcan, Bangued, Abra.

Sa inisyal na imbestigasyon, hinahabol ng suspek na lulan ng motorsiklo si Ballallua.

Nang maharang ang biktima ayagad na bumaba ang suspek at binaril sa ulo si Ballallua gamit ang .45 pistol.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang lokal ng pulis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply