Trike driver sinalpok ng kotse, patay

PATAY ang isang tricycle driver makaraang salpukin ng isang kotse sa Quezon City kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Roger  Fermejo, 44, may-asawa, tricycle driver ng 42 Kapiligin St., Dona Imelda, QC.

Si Femejo ay nasawi noon din matapos magtamo ng matinding pinsala sa kanyang katawan.

Kinilala naman ang suspek na si Jeffrey Mangoda, 23, binata, ng Sampaloc Manila.

Ayon kay Traffic Enforcer Allan Mangoda ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 4, naganap ang insidente dakong 2:15 ng madaling araw kanina sa E. Rodriguez Avenue sa harap ng National Children Hospital.

Sinabi sa ulat na naghatid lamang ng pasyente sa naturang ospital ang biktima sakay ng kanyang tricycle na Kawasaki UV- 5742  matapos pakiusapan ng kanyang kapitbahay.

Papalabas na sana ng ospital ang biktima sakay ng kanyang tricycle ng salpuking ng isang kotse na Honda Civic (UKM-677) na minamaneho ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply