Trike driver utas sa pananambang sa QC

MISMONG sa tapat ng kapilya, bumulagta ang isang tricycle driver matapos na ratratin ng dalawang hindi nakilalang armadong lalaki sa Quezon City kagabi.

Namatay noon din sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo at anim sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Lancelot Aquino, 23-anyos ng Barangay Batasan, Q.C.

May lead na ang imbestigador sa kaso na si P03 Ben Vic Padua ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) pero dahil pinalalakas pa ang ebidensiya laban sa suspekt ay pansamatalang hindi muna ibinunyag ang pagkakakilanlan nito.

Naganap ang insidente dakong alas-10:30 nitong Huwebes ng gabi sa tapat ng isang kapilya sa nasabing barangay.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Lucky Aquino, bago ang insidente ay nakapagsakay pa ng pasahero sa terminal ang kanyang kapatid at naihatid pa sa pupuntahan nito.

Pero pagbalik aniya ng kanyang kapatid, ay inaabangan na pala ng mga suspek ang pagdaan nito kaya nang dumating ay niratrat ito ng isa.

Ayon pa kay Lucky, naikuwento sa kanya ni Lancelot na mayroon siyang nakaaway na isa ring traysikel driver hinggil sa pambubugbog sa kumpare nito na tinulungan ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply