Trillanes, pinanumpa ni Villar bilang NP member

PINANUMPA ni Sen. Manny Villar si Sen. Antonio Trillanes IV bilang pinakabagong miyembro ng pinakamatandang partido sa Pilipinas, ang Nacionalista Party, nitong Linggo sa isang simpleng seremonya sa Makati.

“Sen. Trillanes is an asset to the party, which is now preparing for the 2013 mid-term election.,” ayon kay Villar sa maikling talumpati.

Sinaksihan ang panunumpa ni Trillanes nina dating Las Pinas Rep. Cynthia Villar kabilang sina Sen. Alan Peter Cayetano, Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., Cavite Rep. Boying Remulla, Las Pinas Rep. Mark Villar at Taguig Mayor Lani Cayetano.

Tumakbo si Trillanes bilang senador noong 2007 habang nakakulong sa ilalim ng adbokasiya laban sa corruption na umani ng mahigit 11 milyong boto.

Pinakamatandang partido pulitikal ang NP na umabot na sa 105 taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply