Truck driver dedo sa nakaalitang guwardiya sa Maynila

NATAGPUANG nakahandusay at naliligo sa sariling dugo ang isang truck driver makaraang pagbabarilin ng nakaalitang guwardiya sa Pier 2, North Harbor sa Maynila.

Kinilala ang biktima na si Danny Ortiz, 29, na namatay sanhi ng tama ng bala ng baril sa kaliwang balikat na tumagos sa dibdib.

Nakatakas naman ang suspek na si Ramon Laganson, guwardiya sa nasabing lugar.

Ayon sa isang Jonathan Peralta, guwardiya rin sa lugar, nakita niyang nagtalo ang suspek at biktima bago naganap ang insidente.

Ilang saglit lamang ay nakarinig si Peralta ng putok ng baril at sunod nito ay nakita niyang nakahandusay ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad at tinutugis na ang tumakas na suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply