Truck tumagilid: 31 stude, 7 guro sugatan

TINATAYANG 31 mga estudyante at 7 mga guro ang nasugatan matapos maaksidente ang sinasakyan nilang 6×6 truck ng 2nd construction battalion ng Philippine Navy sa may highway ng Barangay Calugusan, Lamitan  City, Basilan.

Nabatid na galing ang mga estudyante at mga guro ng isang pribadong kolehiyo sa siyudad ng Lamitan sa probinsya ng Basilan sa kanilang aktibidad na coastal clean-up sa tabing-dagat ng Brgy. Calugusan at pauwi na sana bandang alas-4:30 kahapon ng hapon nang mangyari ang aksidente.

Nawalan ng kontrol ang pagtakbo ng naturang trak hanggang sa tumagilid ito sa tabi ng kalsada.

Dalawa sa mga estudyante na nagtamo ng mga bali sa katawan at malubhang nasugatan ay inilipat kaagad kagabi papunta sa Cuidad Medical, isang pribadong ospital sa siyudad ng Zamboanga.

Habang ang 36 pang ibang mga biktima, kabilang ang pitong guro ay nananatili sa Dr. Ma. Torres Hospital sa probinsya ng Basilan at patuloy na nilalapatan ng lunas.

Kaugnay nito, inihayag ng pamunuan ng kolehiyo na aksidente ang nangyari at walang dapat sisihin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply