Tserman, anak todas sa pananambang

INAMBUS ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang isang barangay captain at ang kanyang anak sa Maguindanao town kahapon (Hulyo 24).

Dead on the spot sanhi ng dalawang tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan si  Barangay Kalipapa chairman Dalis Ali habang sabog naman ang ulo ng kanyang anak na si Sapol.

Sinabi ni Supt. Marcelo Pintac, hepe ng Maguindanao Provincial Philippine National Police (PNP), na maaga pang mag-espekulasyon hinggil sa pagpatay sa mag-ama.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang mga salarin na kapwa rin nakasakay sa isang motorsiklo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng Martes ng umaga sa national highway ng Barangay Poblacion, Datu Piang.

Ayon sa mga nakasaksi, si Ali na tumatayong acting president ng Association of Barangay Chairmen sa Datu Piang town, na may koneskyon sa lokal na politiko at ikinakasang tatakbo sa 2013 elections.

“We’re studying all angles. We’re digging deeper our probe on the killings,” pahayag pa ni Pintac.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply