Tserman, arestado sa pamamaril ng nurse

KASONG frustrated murder ang kinakaharap ng isang Punong Barangay matapos barilin  subalit masuwerteng hindi tinamaan ang isang nurse sa Sta Ana, Manila.

Kalaboso at kasalukuyang nasa kustodiya ng Manila Police District (MPD)-General Assignment Investigation Section (GAIS) ang suspek na si Gerardo Acebedo, Brgy. Chairman ng Brg 899 Zone 100 ng 233 L. Garcia St., Punta, Sta.Ana, matapos magsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ni P/Supt.Remigio Sedanto, Station Commander ng MPD-Sta.Ana Police Station 6.

Inaresto ang suspek nang magharap ng reklamo ang isang Laviano,Bayuga, 40, isang registered Nurse, may-asawa, ng 246 Garcia St., Sta Ana.

Batay sa ulat na isinumiti ni PO3 Henry Navarro kay P/Sr.Insp. Ramon Meneses, Officer In Charge (OIC) ng MPD-GAIS, dakong 5:30 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa harapan ng bahay ng biktima.

Sa salaysay ni Bayuga, papauwi umano siya sakay ng kanyang motorsiklo nang murahin siya ng suspek ng “Put …Ina mo, gago ka”.

Nagawa naman umanong gumanti ng maanghang na salita si Bayuga, dahilan upang hamunin ng huli subalit hindi naman pinatulan ng una kaya dumiretso na lamang ito sa kanyang bahay.

Habang ipinaparada ng biktima ang kanyang motorsiklo, dumating si Chairman Acebedo, kasama ang isa pa, at  ng nakalapit ang mga ito, bigla na lamang nagbunot ng baril, at itinutok ito sa biktima. Dahil sa takot nagtatakbo umano ang biktima sa loob ng kanilang compound sublit pinaputukan pa rin, pero masuwerteng hindi ito tinamaan.

Lumitaw sa report ng pulisya, na nakainom umano ng mga sandaling iyon si  Acebedo, kaya nagawa nitong paputukan ng baril ang naturang registered Nurse.

Nag-ugat ang away ng biktima at suspek nang sinampahan ng kasong grave coercion at trespassing ang suspek matapos na sirain ang bahay ng kapatid ng biktima.Mula noon ay minumura at pinagbabantaan umano ng suspek ang biktima tuwing nagku-krus ang kanilang landas.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply