Tserman na bumaril sa kabaro naaresto na

HINDI na nagawang makatakas sa ginawang krimen ng isang 50-anyos na Punong Barangay, matapos madakip, habang papatakas galing sa isang Hotel, sa Ermita, Maynila, kahapon.

Ayon kay P/Supt. Rolando Balasabas, Station Commander ng Manila Police District-Sampaloc Police Station 4, dakong 5:00 ng hapon, matapos makatanggap ng impormasyon sa pinagtataguan ng suspek na si Chairman Jonathan Florendo, ng Brgy.480-Zone 47 ng Sampaloc, naabutan ito na nag-eempake ng gamit sa loob ng Rm.501-B sa Lourdes Mansion sa Alahambra St., sa Ermita.

Nakuha sa suspek ang kalibre 45 baril na umano’y ginamit nito sa pagpatay kay Chairman Hilario Romano, 56-anyos ng Brgy. 473 Zone 47.

Kasama sa nadakip ang anak ni Chairman Florendo na itinago sa pangalang “Junjun,” 14 anyos ang umano’y nag-abot ng baril para isagawa ang krimen.

Matatandaan, nitong nakaraang linggo ng dakong 10:15 ng gabi, nagkaroon ng monthly zone meeting ang sona 47 sa pangunguna ni Chairman Joaquin Cuenco, chairman ng Brgy.476, at umano’y dumalo ang 9 na punong barangay, na ginananap naman sa barangay hall ni Chairman Ruben Pena, ng Brgy.478 sa Ma. Cristina St., sa Sampaloc.

Habang nasa kasagsagan ng kanilang pulong, dumating umanong lasing si Florendo at may dala pang isang bote ng alak.

Nagsimula ang pagtatalo ng biktima at suspek nang pag-usapan ang paglalagay ng barangay tanod sa Ramon Magsaysay High School para sa seguridad ng mga mag-aaral.

Lalong uminit ang pagtatalo ng dalawa nang sagutin umano ng biktima ang suspek na huwag na itong tumulong sa paglalagay ng barangay tanod kung ayawa niya.

Sa puntong ito, binunot umano ng suspek ang kanyang 9mm na baril pero maagap na naagaw ito ng kapwa barangay chairman na sina Carlo Diokno at Anastacio Ingalla, at nailabas naman ang galit na galit na si Florendo.

Kinukuha umano ng suspek ang kanyang baril subalit tumanggi ang ibang Punong Barangay, at nagpasayang bukas na lamang ituloy ang pulong kapag hindi na lasing ang suspek.

Lingid sa kaalaman ng mga chairman, tinawagan umano ng suspek ang kanyang anak at ipinadala ang isa pa nitong baril sa kanillang bahay at nang nahawakan nito ang kanyang baril ay itinutok at ipinutok sa bintanang salamin sa direksiyon ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply