Tsinoy nagbaril sa sarili sa loob ng van, todas

PATAY ang isang Tsinoy matapos magbaril sa sarili habang nasa loob ng van na nakaparada sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City kaninang umaga,.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa noo si Bryan Ang Cinco, 35, ng Paz St., Morning Breeze Subd., nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-9:10 ng umaga, hinahanap ang biktima ng mga kaanak sa loob ng kanilang bahay at nang hindi makita ay pinuntuhan ang Toyota HI-Ace (POG-259) na nakaparada sa tapat ng bahay at laking gulat nang makitang duguan si Cinco sa loob ng van habang nasa tabi ang .9mm na baril.

Ipinaalam sa mga pulis ang pangyayari kung saan inaalam na ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima at inaalam na rin kung may naganap na foul play sa insidente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply