Tsuper ng DepEd hindi edukado, mga amo niya ganun din

HINDI na kailangang ipaliwanag pa kung ano ang tungkulin ng DepEd (Dep’t.of Education) o ang dating DECS (Dep’t.of Education, Culture, and Sports). Nahiwalay na ang Culture and Sports. Ayon sa website ng DepEd sila ay, “Responsible for regulating and managing the Philippine system of basic education. Tagapatakbo ng mga pampublikong paaralan at governing body naman ng mga pribadong eskuwelahan dito sa Pilipinas.

Pero hindi ibig sabihin na pag empleyado ka ng DepEd ay matalino ka na, masunurin sa batas, at kagalang-galang na public servant. Isang halimbawa ay si Danilo, isang tsuper na nakatalaga sa DepEd Pasay City. Hit and run ang ginawa ni Danilo sa isang babae sa Maynila. Mabuti at walang masyadong nangyari sa babaeng nagngangalang Lisa at nakuha pa nitong kunin ang red plate number ng saskyan ni Danilo kaya niya nalaman na taga-DepEd ang sasakyang bumangga sa kanya. Isa pang halimbawa ng pagkamayabang, pagka-arogante at pagkamangmang ng empleyado sa DepEd ay si Cynthia Misalucha, Supervisor I ng Division of City Schools sa Pasay City. Tinawagan siya ni Lisa para sabihin ang kanyang sinapit at para magreklamo.
Akalain niyong sinigaw-sigawan ba naman si Lisa at sinabihan pa na, “Diba kayo ang may reklamo? E di kayo ang pumunta dito.” Akala mo katalinuhan ang ipinakita mo Cynthia? Tsk tsk. Iyan ba ang serbisyo publiko? Serbisyo publiko ng DepEd?

Disidido si Lisa na ituloy ang reklamo. Kaya naman matapos na masigawan ni Misalucha ay nagtungo na siya sa DZMM at doon ay nakausap ni Julius Babao at Kay Dacer si Dr. Estrellita Puti-an, ang OIC-Division Superintendent, Division of City Schools ng Pasay City. Hindi ko alam kung doctor of medicine o may doctorate degree si Dr. Puti-an. Malamang ay doctorate. Siyempre dahil nasa teleradyo siya ay mahinahon at mabait ang tono ng boses ni Dr. Puti-an.

Pero ikinagulat ko at maging ni Babao at Dacer ang sagot ni Puti-an sa reklamo ni Lisa. Kailangan daw mag-refile ni Lisa ng reklamo ayon sa porma o panuntunan ng DepEd. Ang tinging ko sa ibig sabihin ni Puti-an ay mukhang wordings at pagsaayos-ayos lamang ang kailangan ulitin. E bakit hindi pa nila tinulungan si Lisa na itama ito habang andun siya sa tanggapan ng DepEd? Tsk tsk. Umamin na at lahat ang tsuper na si Danilo e kailangan pang maraming recotitos? Paano kung agaw-buhay na ang nabundol ni Danilo? Walang ayos sa DepEd Pasay. Secretary Armin Luistro, sana po ay matulungan ninyo si Lisa. Kawawa naman naman siya. Dalawa na ang kinausap e pareho pang…

*****

Congratulations sa Lexus Manila Inc. sa bagong Lexus ES 350 na inilunsad noong Miyerkules sa showroom nito sa Fort Bonifacio Global City sa Taguig. Ito ay pinangunahan ni Lexus Manila Inc. Chairman Alfred Ty at ng magiting na presidenteng si Danny Isla!

*****

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko rin kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply