Tsuper tinadtad ng bala

PATAY ang isang tricycle driver makaraang tadtarin ng bala ng hindi pa nakikilalang salarin sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Marlon Credo, 34-anyos, ng Lot 4, Block 2, Duplex Santan St.., Pasong Putik, Maligaya Park Subdivision, Q.C.

Sa ulat ni PO3 Roldan Pitong ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, nangyari ang insidente pasado alas-11:00 ng gabi sa harap ng bahay sa #288 Santan St. sa nasabi ring lugar.

Ayon kay Eulanda, ina ng biktima, kagagarahe pa lamang ng anak nang makarinig sila ng mga putok ng baril.

Posible umanong inabangan ng hindi pa nakikilalang salarin ang pag-uwi ng biktima buhat sa pamamasada.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply