Tuguegarao vice mayor, 5 parak, kinasuhan ng murder

SINAMPAHAN ng kasong multiple murder ang vice mayor ng Tuguegarao City, ang kabisera ng Cagayan province, at isang police director at apat nitong tauhan sa Office of the Ombudsman dahil sa pagpatay sa limang suspected guns-for-hire noong nakaraang Mayo.

Kinilala ng Commission on Human Rights (CHR)-Cagayan Valley, na siyang tumulong sa pag-asiste sa mga pamilya ng biktima, ang mga kinasuhan na sina Vice Mayor Danilo Baccay at Senior Superintendent Alexander Rafael, Abra police director.

Kasama rin sa reklamo ng five counts of murder, grave misconduct at grave abuse of authority at maging ang incriminating an innocent person ay ang apat na Cagayan policemen na kinilala lamang na mga John Does.

“The John Does, who are (Rafael’s) former subordinates, are allegedly assigned at the Regional Intelligence Unit (at the) police regional office (in) Tuguegarao City,” pahayag ng CHR, at idinagdag na ang apat na pulis ay nagsilbing mga escort ni Rafael nang maganap ang insidente.

Sinabi ng CHR na sa kanilang pagsisiyasat ay may nakitang probable cause para idiin ang mga suspek sa pagpatay kina Leonard Apolonio, Daniel Villamor, Nomer Biendima, Isabelo Bernal at Michael Bermudez, pawang taga-Abra, na kinilalang mga miyembro ng isang gun-for-hire group.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply