Tulirong kagawad nagbaril sa sarili

BLANGKO ang pamilya ng isang barangay kagawad sa motibo nito sa pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo sa lalawigan ng Leyete sa ulat ng pulisya ngayon.

Ayon sa police report, dagliang kamatayan ang inabot ni Miguel Darantinao ng Brangay Calaniwan, Jaro, Leyte sanhi ng isang tama ng punglo sa ulo.

Sa inisyal na ulat na ibinahagi sa media ni  PO2 Erwin Pomanes, may hawak ng kaso ng Jaro PNP, walang alam umano ang pamilya sa dahilan ng kagawad upang kitilin ang sariling buhay.

Dagdag pa ng pulisya, ginamit umano ng biktima ang isang caliber .38 na baril na pagmamay-ari nito.

Bago ang insidente ay naging kapuna-puna umano sa pamilya ni Drantinao na naging tuliro ang biktima at tila may dinaramdam.

Aminadong nahihirapan ang mga kapulisan dahil sa ayaw magbigay ng impormasyon ang mga kaanak ng biktima.

Hinihinala ng mga imbestigador na maaaring simpleng problema sa pamilya ang nag-udyok sa biktima para magpakamatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply