Tumangging padaanin ang convoy ni PNoy, QC pulis sinibak

DAHIL sa pagtangging padaanin ang convoy ng mga sasakyan ni Pangulong Noynoy Aquino sa Quezon City kaninang umaga, isang tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang sinibak sa kanyang posisyon at naharap pang madismis sa serbisyo.

Dahil sa insidente, sinabi ni QCPD head Chief Supt. Mario dela Vega, na sinibak agad sa posisyon si SPO2 Ricardo Pascua, nakatalaga sa QCPD station 4.

Ayon sa ulat, bago ito ay papunta sa isang speech engagement ang Pangulong Noynoy at lulan ito sa kanyang presidential car kasama ang convoy ng mga sasakyan ng Presidential Security Group (PSG).

Pagsapit sa Batasan Road, biglang bumagal ang takbo ng mga sasakyan ng Pangulo dahil sa nakahambalang sa kalsada ang isang kulay orange na Asian utility vehicle (AUV) na pag-aari at minamaneho ni Pascua.

Sinabi ni Dela Vega na initusan ni Presidential Security Group head Brig. Gen. Ramon Mateo Dizon ang ilan sa mga PSG members para lapitan si Pascua at alamin kung ano ang problema nito.

Ayon pa sa ulat, hiningi ng mga miyembro ng PSG ang pangalan at lisensiya ni Pascua ngunit tumanggi ito at sa halip ay nagpakilala itong isang pulis. “Pulis ako,” pagmamalaki pa ni Pascua.

Bukod pa rito, sinabi ni Dela Vega na ang sasakyan ni Pascua ay mayroong “QCPD” license plate sa harapan ng kanyang sasakyan na isang bawal sa batas trapiko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply