Tumataas na bilang ng ‘child warrior’, ikinabahala ng simbahan

NABABAHALA ang Simbahan Katolika sa pagdami ng mga batang sumasanib sa mga armadong pakikibaka.

Batay sa ulat ng United Nations (UN), tumataas ang bilang ng mga ‘child warrior’ na umabot na sa 600 ang bilang ng mga kabataan na nasa gulang na walo hanggang 17-anyos lamang na kaanib na sa pakikibaka ng mga rebeldeng grupo.

Ayon kay Antipolo Auxiliary Bishop Francis De Leon, naniniwala siyang kahirapan ang dahilan ng pagdami ng mga batang sumasali sa mga armadong grupo.

Kaya naman hinihimok ng obispo ang pamahalaan na paigtingin ang pagbibigay ng hanapbuhay sa mga magulang ng mga batang nasasangkot sa naturang uri ng gawain.

Kaugnay nito, pinakiusapan din ng  obispo ang mga awtoridad na huwag pahirapan ang mga rebeldeng bata na nahuhuli bagkus ay isailalim sila sa rehabilitasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply