Tupas kapit tuko sa JBC

HINDI isusuko ni Iloilo Rep. Niel Tupas ang pagigin ex- officio member ng Judicial and Bar Council.

Tiniyak ito ni Tupas sa petisyon sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa kaniyang posisyon sa JBC na itinaon sa gitna ng proseso sa pagpili ng papalit kay dating chief justice Renato Corona.

Handa, aniya, siyang magsumite ng sagot sa JBC kaugnay ng nabanggit na petisyton kasama ni Senador Francis Escudero bago pa man magsimula ang screening process at interview sa mga aspirante.

Ipinaliwanag ni Tupas na matagal nang patakaran at tradisyon na ang chairman ng House Justice Committee sa Senado at Kamara ay mayroong tig-isang upuan sa JBC.

Iginiit rin ni Tupas na hindi niya papatulan ang hamon ng kampo ni dating Chief Justice Renato Corona na dapat siyang mag-inhibit sa JBC dahil sa ginampanang papel sa impeachment trial.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply