Turismo, palayan apektado ng sinkhole sa Cebu

MALIBAN sa turismo,  posibleng dumanas ng gutom ang mga residente ng Barili sa CEbu dahil apektado na rin ang taniman ng palay dahil sa sinkhole.

Nangangamba ang mga residente na hindi magiging maganda ang kanilang ani  dulot ng pagkatuyo ng Mantayupan River dahil sa sinkhole .

Sinabi ni Barili Mayor Teresito Mariñas, na apektado na ang mga irigasyon, palaisdaan at maging ang mini-hydro electric power dahil sa pagkatuyo ng ilog.

Ayon  kay Mariñas, ginagawan ng mga paraan ng pamahalaang lokal ang naturang problema para matugunan ang pangangailangan at maalis ang pangamba ng mga residente.

Sa ngayon, inililihis (deour) ang  daloy ng tubig sa ibang lugar para maiwasan na maubos ang tubig papunta sa sinkhole na may lalim na limang metro .

Hindi pa rin matukoy ng lokal na pamahalaan kung gaano kalalim ang naturang sinkhole sa kabila ng paghulog dito ng dalawang binuwal na puno.

Patuloy naman nababahala ang mga residente  sa umanoy posible pang lumaki ang bunganga ng sinkhole at umanoy mahigop sila sa ilalim ng lupa.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply