Twitter account ng Makati inilunsad

INILUNSAD ng lokal na pamahalaan ng Makati City ang opisyal na Twitter account nito na magbibigay impormasyon sa mga motorista at mga bumibyaheng pasahero sa loob ng 24 oras sa lungsod.

Tinawag ang Twitter account na @Makati Traffic, na isinabay ang paglunsad sa ika-35 kaarawan ng punong lungsod na si Mayor Erwin Binay.

Ayon sa alkalde, layunin umano ng proyekto na magbigay ng mabilis na updates sa mga situwasyon sa kalsada at mga insidente sa tamang oras, at mga advisories partikular sa mga pangunahing kalsada ng Makati.

Dahil sa pangunahing business district ang Makati, mahalaga umano ang oras sa mga negosyante at mga manggagawa sa lungsod kaya’t agarang mabibigyang kasagutan ang mga tanong kung ano ang kalagayan ng trapiko dito.

Gamit ang mga makabagong mga cellphone na may internet at mga special features ang sinoman ay makapapasok sa Twitter account ng Makati City habang nasa kalsada at makaiiwas sa mga kalsada na mabigat ang daloy ng trapiko.

Mapaaalalahanan din ang mga motoristang dumadaan sa lungsod kung ano ang daratnang sitwasyon sa mga kalsadang nais puntahan kaya’t makakaiwas sa mga aberya at pagkakaipit sa trapik.

Maging ang mga updates sa lagay ng panahon at impormasyon tuwing may baha ay makukuha sa Twitter account ng lungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply