UAAP: Ateneo, NU magtutuos bukas

MAGTUTUOS agad sa court ang dalawa sa kinatatakutang teams sa 75th UAAP men’s senior basketball tournament.

Nakatakdang magbanggaan ng katawan ang defending champion Ateneo Blue Eagles at 2012 Fil-Oil Flying V preseason Hanes Cup ruler National University Bulldogs bukas, 4:00 ng hapon sa SM Mall of Asia Arena

May kartang 1-1 win-loss ang Blue Eagles habang 1-0 baraha ang bitbit ng Bulldogs.

Tanging ang Adamson Falcons lang ang dumungis sa Ateneo sa 74th season habang winalis naman ng Bulldogs ang lahat na laro nila sa nakaraang Fil-Oil.

Ayon kay Ateneo head coach Norman Black isa ang NU sa mga malalakas na teams sa nasabing liga kaya aminado siyang mahirap sabihin kung sino-sino ang sasampa sa Final 4.

Sinabi naman ni coach Eric Altamirani ng NU na iba ang labanan sa UAAP.

“The UAAP is a different league.” wika ni Altamirano. “We had a good summer tournament at sana madala namin ito sa UAAP.”

Sasandalan ng Blue Eagles si last year’s Rookie of the Year awardee Kiefer Ravena at 7-0 center Greg Slaughter habang kukuha ng bangis ang Bulldogs kina reigning MVP Bobby Ray Parks Jr. at Cameroonian 6-foot-7 center Emmanuel Mbe.

Samantala, sa unang laro magdudungisan ang last year’s runnerup Far Eastern University Tamaraws at Flying V preseason runnerup De la Salle University Green Archers sa alas-dos ng hapon.

May 2-0 panalo-talo karta ang Green Archers habang 1-0 ang tangan ng Tamaraws.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply