Umaalmang mga weather forecaster, kinalma ng Palasyo

DAHIL nag-aalisan na ang Weather forecaster, pina-aayos na ngayon ng Malakanyang sa Department of Budget and Management (DBM) ang reklamo ng mga PAGASA forecasters hinggil sa tinanggal na benepisyo sa mga ito.

Nilinaw ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na pansamantalang sinuspinde ang nasabing benepisyo dahil nagkaroon ng funding problem noong 2011.

Ayon pa kay Valte, nakipagpulong na ang mga opisyal ng PAGASA sa DBM, at naging maganda naman ang resulta ng pag-uusap.

Sinabi pa nito na tiniyak naman ng presidente ng Unyon sa PAGASA na hindi na mag-a-abroad ang mga weather forecasters.

Matatandaang nagbanta ang mga senior officials ng PAGASA na pwedeng mauwi sa exodus ang naturang ahensya kapag hindi naibalik ang tinanggal na hazard pay simula noong Marso

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) Weathermen Employees Association President RamonAgustin na huwag nang magtaka kung bakit unti-unting nauubos at pagmamaktol para pangingibang bansa ng ilan sa kanyang mga kasamahang weather forecasters sa bansa.

Sinabi ni Agustin simula pa nitong March ay hindi na ibinibigay sa kanila ang mga benepisyong nakapaloob sa Magna Carta for Science and Technology Employees.
Kabilang dito ang substance allowance na P160 kada araw at hazard pay na 15% ng kanilang suweldo at longevity pay.

Himutok pa ni Agustin – nasa P3,000 hanggang P4,000 lang kada buwan ang nai-uuwing sahod ng mga empleyado ng PAGASA.

Sentimiyento pa nito, aanhin pa ng gobyerno ang modernisasyon sa ahensya, kung unti-unti namang nauubos ang mga wearther experts.

Matatandaang sa loob ng 10 taon, 22 empleyado ng PAGASA ang nangibang bansa dahil di hamak na mas malaki ang offer sa pinasukang trabaho.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply