UPDATE: 1 sugatan sa sunog sa Quezon City

SUGATAN sa sunog ang isang lolo nang matupok ng apoy ang kanyang sariling bahay at ilan pang katabing bahay sa Quezon City kaninang umaga.

Nalapnos ang balat sa katawan at isinugod sa ospital ang biktimang si Julio Santos, 57-anyos ng Road 3 Barangay Bagong Pagasa, Quezon City.

Naganap ang sunog dakong alas-10 ng umaga sa mismong bahay ni Santos pero hindi pa matukoy ng awtoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Ayon sa biktima, paakyat na siya sa ikalawang palapag ng kanyang bahay nang makarinig ng malakas na pagsabog.

Sinikap niyang ibaba ang general switch ng kanilang bahay pero hindi na kinaya dahil mabilis na lumaki at kumalat ang apoy.

Kumalat naman agad ang apoy sa bahay ni Santos dahil gawa ito sa light materials at maging ang mga katabing bahay gayundin ang tatlong apartment doon.

Nabatid na walang tao sa kuwartong pinagmulan ng sunog dahil pumasok sa trabaho ang umuupa rito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply