UPDATE: 10 bahay nilamon ng apoy sa Quezon City

TINUPOK ng apoy ang may sampung bahay sa sunog na naganap ngayong hapon sa Mapagmahal Street, Barangay Pinyahan, Quezon City.

Ayon sa ulat sa telebisyon, nagsimula ang sunog dakong alas-2:10 ng hapon at ideneklarang fire under control bandang alas-tres ng hapon.

Wala namang iniulat na nasaktan o namatay sa sunog na umabot sa ikalimang alarma.

Patuloy ang imbestigasyon sa sunog at inaalam kung ano ang pinagsimulan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply