UPDATE: 2 LPA na may potensyal na maging bagyo namataan

HINDI lang isa kundi dalawang low pressure area (LPA) na kapwa may potensyal na maging ganap na bagyo ang namataan ng state weather forecasters kaninang umaga (Hulyo 24) sa silangang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas na magkasabay na magdadala ng mga pag-ulan sa bansa ngayong linggo.

Sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration forecaster Jori Loiz na namataan ang nasabing dalawang sama ng panahon sa silangang bahagi ng Tuguegarao sa Cagayan at sa Mindanao.

“’Yan ang problema namin kung sino mauuna,” pahayag ni Loiz sa isang kapanayam.

Kung ang dalawang LPA ay maging ganap na bagyo habang nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas, ang mga ito ay tatawaging “Gener” at “Helen.”

Sinabi ni Loiz na lumabas sa kanilang models na ang LPA na nasa silangang bahagi ng Tuguegarao ay maaaring maging ganap na bagyo o cyclone sa darating na Huwebes, pero sa kabutihang palad ay hindi ito tatama sa lupa at sa halip ay kikilos ito ng pa-hilaga.

Sa kabilang dako, ang LPA naman aniya na nasa silangan ng Mindanao ay biglang humina pero baka sumanib sa isang kalapit na LPA at maaaring maging ganap na isang bagyo rin.

Nakaranas ng monsoon rain ang bansa na dulot ng tropical depression “Ferdie” (Vincent).

Magugunitang, tatlo katao ang namatay sa kasagsagan ng moonsoon rain nitong nakalipas na weekend.

Samantala, pagkatapos manalasa sa Pilipinas, matinding hinagupit ng bagyong Ferdie (Vincent) ang China at Hong Kong.

Nabati na sa Beijing pa lamang ay umabot na sa 35 ang namatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply