Update: 3 patay kay Gener, 6 nawawala

SIYAM katao ang pinangangambahang nasawi at nawawala bunsod ng patuloy na pananalasa ng bagyong Gener na nagdulot ng matinding pagbuhos ng ulan na pinalala pa ng kasamang hanging Habagat at low pressure area (LPA), ayon sa  ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) .

Sa huling tala na inilabas ni NDRRMC Executive Director Bgen  Benito Ramos naitalang casualties sina  Ronald Necor, 33-anyos na nalunod sa Bugasong, Antique nitong Sabado; Ernest Flores, 60-anyos na nasawi sa pagsadsad ng M/V Shuttle RORO 1 sa Looc Bay sa Odiongan, Romblon; Alaminos, Laguna; at Teodoro Flores, magsasakang nabagsakan ng puno ang barung-barong sa San Pablo City, Laguna.

Hindi pa naman kasama sa bilang ang lalaking natagpuang lumulutang sa Manila Bay  ng  madaling araw sa Rosario, Cavite na iniulat ni Mayor Nonong Ricafrente.

Samantala, pinangangambahang masama sa tala ng casualties ang anim katao na inulat na nawawala kabilang ang apat na mangingisda sa Occidental Mindoro at dalawang empleyado ng isang marine research company na pinaniniwalang natangay ng alon habang nasa Rosario,Cavite.

Hindi naman kasama sa ulat ang nawawalang skydiver na patay na nang matagpuan  sa Cebu noong Sabado.

“Dakong alas-12:00 kahapon ng  tanghali nang madiskubre ang bangkay ngbiktimang kinilalang si Ronron Mendez sa karagatan ng South Road Properties, Lungsod ng Cebu.

Batay sa ulat, nag-skydive noong Sabado ng umaga si Mendez at anim na iba pa.

Pero biglang sumama ang lagay ng panahon dulot na rin ng pinagsamang epekto ng hanging Habagat at Bagyong Gener.

Naging maayos naman ang paglapag ng kanyang mga kasamahan.

Hinihinalang napahiwalay at napaiba ng direksyon si Mendez na mas pinalala pa nang hindi naging maayos nitong paglapag.

Agad namang dumating ang maybahay ng biktima na mula pa sa Bohol nasiyang positibong kumilala sa bangkay nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply