4 patay, 6 sugatan sa LPA — NDRRMC

(UPDATE) APAT katao na ang naitatalang namatay habang anim ang sugatan at isa pa ang nawawala makaraang manalasa ang low pressure area (LPA) sa bansa partikular na sa bahagi ng Luzon.

Ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, kabilang sa mga namatay ang natabunan ng gumuhong adobe noong nakaraang araw sa Valenzuela City na kinilalang sina Christian Serrano, 9-anyos, Rodel Pugoy Sr., 29-anyos na pawang residente ng nabanggit na lugar; Raymundo Reprado mula sa El Nido, Palawan at Ronel Malinao ng Puerto Princesa, Palawan.

Habang sugatan naman ang mga biktima na sina Rodel Pugoy, Jr., Rhiver Pugoy, isang taong gulang; Grace Pugoy (mother) 23; Feliriano Basilia Balcac, 54; na natamaan ng mga tipak na bato sa La Trinidad, Benguet; Eliza Balcac, 74; Ricardo Briones Glee, 44; na residente ng Brgy. Dalumbayan, Teresa, Rizal.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ang biktimang si  Diolito Castillo Jr., 31-anyos, ng Sta. Fe, Romblon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply