UPDATE: Beybing nawawala sa sunog sa Maynila, tustado na nang makita

TUSTADO at halos hindi na makilala ang bangkay ng isang sanggol na una nang naiulat na nawawala matapos ang naganap na sunog sa A. Lacson Avenue, Sampaloc, Maynila.

Ayon sa Manila Fire Department, natagpuan ang bangkay ng 10 buwang gulang na sanggol na si Benedict Boholst, sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Nabatid na dakong alas-9:00 kaninang umaga lamang ito nakita nang muling magsagawa ng imbestigasyon ang arson investigator.

Ang sanggol ay naiwan umano ng kanyang magulang sa duyan sa ikalawang palapag ng kanilang bahay bago pa man mangyari ang malaking sunog sa mga kabahayan sa lugar.

Tinatayang mahigit sa 100 pamilya naman ang nawalan ng tirahan sa sumiklab ang sunog na umabot lamang sa isang oras.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply