UPDATE: Buntis na nag-CS sa sarili sumailalim sa psychiatric test

SUMAILALIM na ngayon sa psychiatric test ang babaeng nag-opera sa sarili sa pagnanais na mailabas ang bata sa kanyang sinapupunan.

Ayon kay Dr. Mario Lazo ng Sta. Ana District Hospital, stable na ang 28-anyos na babae subalit madalang ito kung kumibo.

Anang doktor, posibleng senyales ng depresyon ang hindi pagkibo ng babae kaya kanila muna itong isasalang sa psychiatric test.

Nabatid na nakatapos ng midwifery ang babae na hiniwa ang sariling tiyan gamit ang kitchen knife upang alisin ang sanggol sa loob ng kanyang tiyan.

Ang hiwa ay umabot sa 12 sentimetro at tinahi ng babae gamit ang ordinaryong karayom at sinulid.

Sa pahayag pa ng biktima, nang mailabas ang bata ay kanyang ibinalot ito sa kamot at saka inilagay sa ilalim ng kama.

Pinag-aaralan na rin ngayon ng awtoridad na kasuhan ng abortion ang babae.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply