Update: Cameraman, putok ang ulo sa anti-SONA rally

PUTOK ang ulo ng isang assistant cameraman nang sumiklab ang karahasan sa pagitan ng militanteng grupo at pulisya sa Commonwealth Avenue kaninang umaga.

Ang cameraman na si Mike Gonzales ng GMA7, ay tinaman sa ulo ng malaking bato na ipinukol ng mga protester.

Ayon sa ulat, ang protesters na nag-itsa sa mga bato ay nagmula sa Anakpawis at Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA) matapos na hindi sila payagan na makalapit sa Batasan Complex na pagdarausan ng ikatlong State of the Nation’s Address ni Pangulong Benigno Aquino III mamayang hapon.

Isinugod si Gonzales sa New Era General Hospital para gamutin.

Dahil sa naganap na batuhan, nagdagdag pa ng ilang bilang ng kapulisan sa lugar ng insidente para hindi na makalapit pa ang mga militante sa Batasang Pambansa.

Una nang hiniling ng Philippine National Police sa mga demonstrador ang isang mapayapang protesta.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply