UPDATE: Drayber ni Binay kinasuhan na

ISINAILALIM na sa inquest proceedings ang drayber ni Makati Mayor Junjun Binay na nakasagasa sa isang mag-ama sa Osmeña Highway sa San Andres Maynila kamakalawa ng umaga.

Ayon sa ng Manila Traffic Bureau, kasong reckless imprudence resulting to homicide at physical injury ang isinampa laban kay Eduardo Herrera, Jr., sa City Prosecutors Office.

Ang kaso ni Herrera ay bunsod ng pagkakasagasa nito sa estudyanteng si Joshua Danao, 14, at ama nitong si Rolando, 53.

Si Joshua ay agad na namatay habang sugatan naman ang kanyang ama.

Nakakulong nang muli si Herrera sa Manila Traffic Bureau sa Atlanta St. Port Area habang hinihintay ang ipalalabas na resolusyon ng piskalya.

Nauna nang kinumpirma ng kampo ni Makati Mayor Junjun Binay na driver nga niya si Herrera at dati rin itong nagmaneho kay Vice President Jejomar.

Gayunman, pinayuhan umano nila si Herrera na harapin ang pananagutan, kasabay ng pagtiyak na handa rin silang tumulong sa pamilya ng biktiima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply