UPDATE: ‘Ferdie’ nakatawid na sa Balintang Channel

NAKATAWID na sa Balintang Channel at nakipagsanib na sa low pressure area (LPA) sa bahagi ng West Philippine Sea ang tropical depression Ferdie.

Huli itong namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa 130 kilometro sa Hilagang Kanluran ng Laoag City.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 55 kilometers per hour, malapit sa gitna habang kumikilos pa-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Nananatiling nakataas ang signal number 1 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur at Abra.

Inaasahang magbubuhos ito ng maraming tubig na umaabot sa 10 hanggang 25 milimeters per hour o malakas hanggang sa napakamalakas sa mga lugar na nakapaloob sa 400 kilometers diameter nito.

Mamayang gabi, inaasahang huhupa na ang bagyong Ferdie na nasa labas ng Philippine area of responsibility.

Samantala, dalawa katao ang patay sa flashflood sa lalawigan ng South Cotabato.

Kinilala ni South Cotabato Governor Arthur Pingoy ang mga namatay na biktima na sina Saya Cala, 65-anyos at anak nitong si Monda.

Samantala, aabot naman sa 50 pamilya ang inilikas sa bayan ng Isulan sa Sultan Kudarat dahil sa pagbaha bunsod ng walang humpay na pagbuhos ng ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply