Update: Klase sa buong MM, karatig lalawigan, kanselado ngayong araw

KANSELADO ngayon ang klase sa Metro Manila dahil sa masamang panahondulot ng bagyong Gener.

Kagabi pa lamang ayipinahayag na ng Department of Education (DepEd)ang suspension sa klase mula pre-school hanggang high school sa mgapribado at pampublikong paaralan sa  Quezon city, San Juan,  Maynila,Navotas, Pasig, Valenzuela, Caloocan,  Makati, Muntinlupa, Malabon,Pasay, Taguig, Parañaque, Marikina at Las Piñas.

Samantala, ngayong umaga ay nagkansela rin ng klase sa kolehiyokabilang ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa lahatng campus nito sa Metro Manila; De La Salle University (DLSU) sa Taft,Makati at Ortigas extension campus; St. Paul’s College sa Quezon City; National University;  City College of Manila;  Pamantasan ng Lungsodng Maynila;  College of St. Benilde pati opisina; – University of theEast (UE) Manila at Caloocan;  Centro Escolar University (CEU), lahatng campus at  UP Manila, Philippine Women’s University, all campus.

Gayundin, kanselado rin ang klase sa  mga karatig lalawigan tulad ngObando, Bulacan; preschool hanggang high school naman sa Malolos City;buong lalawigan ng  Laguna; wala ring pasok sa Angono, Cainta,Antipolo, Tanay, Taytay, Teresa, Morong at Rodriguez Rizal; wala naring klase sa preschool hanggang high school sa Dasmariñas, Kawit,Bacoor, Naic at Rosario sa Cavite.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply