Update: Libing ni Dolphy

EKSAKTONG alas 3 ng  hapon, naipasok na ang labi ni Comedy King Dolphy sa kanyang kulay itim na puntod sa The Heritage Park sa Taguig.

Pero gaya nang inasahan, hindi muna agad isinara ang saraduhan ng puntod ni Dolphy dahil nagsialay pa muna ng mga bulaklak ang karamihan sa mga nakipaglibing kabilang na ang pamilya Quizon at mga kaibigan sa showbiz bilang pagbibigay ng huling respeto sa namayapang Hari ng Komedya.

Ipinanawagan naman ng isang pari na huwag umiyak at sa halip ay magsaya dahil ayaw ni Dolphy na may umiiyak sa kanyang pagkawala.

Matapos magpalakpakan at maghitawan sa tuwa ang mga nagsipaglibing, tinawag ng naturang pari si Zha Zha para magsalita.

Pinasalamatan ni Zha Zha ang lahat ng mga nakipaglibing at muling nagpaalam sa kanyang namayapang mister.

Pagkatapos nito, sinenyasan na ni Eric na isara na ang nitso ng kanyang ama pero halos wala pa ring gumagalaw para umaalis sa naturang parke.

Nakita rin na nilagyan na ng semento ang gilid ng nitso ni Dolphy bilang hudyat ng pagsasara nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply