UPDATE: Mga residente sinisi sa pagguho ng adobe

ISINISI ni Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian sa mga residente ang pagguho ng adobe sa ilalim ng tulay sa Valenzuela na ikinamatay ng dalawa katao kahapon (Hulyo 3).

Ayon kay Mayor Gatchalian, marami ang dahilan kung bakit gumuho ang adobe sa ilalim ng tulay sa Valenzuela dahil inuka ng mga residente ang malaking bloke ng adobe.

Maliban dito sinabi ni Gatchalian na nagdulot din ng mga bitak sa adobe ang malalaking ugat ng isang punong tumubo dito na dahilan para humina ang pundasyon nito at bumagsak sa tirahan ng mga informal settlers doon.

Dahil dito ini-relocate ng Valenzuela City government ang may 20 pamilya na nakatira katabi ng gumuhong adobe sa Barangay General T. De Leon matapos ang naganap na trahedya kahapon.

Sinabi ni Gatchalian na delikado na para sa mga informal settler ang manirahan pa sa gilid ng gumuhong adobe.

Bilang hakbang ay kanyang kakausapin ang National Transmission Commission na siyang may-ari ng lupang pinagtitirikan ng mga bahay ng mga informal settlers para planuhin ang mga gagawing programa para sa kapakanan ng mga tao doon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply