UPDATE: Paligid ng NHA mahigpit na binabantayan

PINAIGTING ng pulisya ang pagbabantay sa compound ng National Housing Authority (NHA) matapos gulantangin ng pagsabog kahapon ng umaga.

Maliban sa pagpapaigting ng seguridad, ngayon lamang nabatid ang kahalagahan sa pagkakabit ng mga CCTV system na tututok sa compound.

Kinukumpirma pa ng pulisya ang report na isang kulay puting taxi ang namataan kahapon na kumakaripas papalayo sa lugar na siansabing naghagis ng granada.

Biniberipika rin ang ulat na isang MK2 fragmentation grenade ang posibleng ginamit sa pagpapasabog.

Anim na sasakyan ang napinsala sa pagsabog habang walang iniulat na nasaktan dahil itinaon na walang tao nang hagisan ng granada ang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply