UPDATE: Bakbakan ng militar, ASG 16 na patay

PUMALO na sa 16 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa engkuwentro sa pagitan ng militar at Abu Sayyaf Group sa Basilan na nagsimula pa kahapon.

Ayon kay Philippine Army M/Gen. Ricardo Rainier Cruz, 12 ang bilang ng namatay sa panig ng mga sundalo habang apat naman sa ASG.

Dahil dito, sinabi ni Philippine Army Public Information Officer Major Harold Cabunoc na pinaigting na nila ang “focus military operation” laban sa Abu Sayyaf sa Brgy. Upper Cabengbeng, Sumisip, Basilan.

Una nang naglunsad ng pursuit operation ang tropa ng 4th Scout Ranger Battalion sa Tumahubong Agrarian Reform Beneficiaries Integrated Development (TARBID) Cooperative, isang rubber plantation, matapos ang insidente ng harassment ng may 50 mga armadong rebelde na pinangungunahan umano ni Wyms Wakil.

Nabatid na si Wakil aydating supervisor umano ng naturang rubber plantation na tinanggal ng pumunuan ng kooperatiba dahil sa maling gawain nito.

Nakipagsanib puwersa umano si Wakil sa rebeldeng ASG para gumawa ng kaguluhan laban sa naturang kooperatiba bilang ganti sa pagtanggal sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply