UPDATE: Plastic factory nilamon ng apoy

MAHIGIT P10 milyon ang halaga ng pinsala ng anim na oras na sunog na lumamon sa isang plastic factory  sa Dalandanan, Valenzuela City kaninang madaling araw.

Ayon kay Sr. Supt. Mhel Lagan, hepe ng Bureau of Fire ng Valenzuela City, dakong alas-2:05 ng madaling araw nang mag-umpisa ang susnog sa Tats Plastic Industries sa #155 Hermosa Compound sa nasabing barangay na pag-aari ng mag-asawang Angel at Ma. Teresita Lao

Nahirapan ang mga rumespondeng bumbero sa pag-apula sa apoy dahil sa mga nakatambak na plastic sa loob at labas ng factory na nasusunog nang datnan ng mga pamatay-sunog.

Napigilan namang madamay ang bahay ng mga residente sa likuran ng bodega dahil sa mayroong firewall ang naturang factory.

Gumamit na rin ang mga pamatay-sunog ng kemikal na inihalo sa tubig para makatulong na apulahin ang apoy.

Ganap na alas-6:30 na ng umaga ng ideklarang fire under control ang sunog na umabot sa Task Force Alpha.

Patuloy na inaalam ng Bureau of Fire Protection ng Valenzuela kung ano ang sanhi ng sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply