UPDATE: Pulis Maynila patay sa riding in tandem

PATAY na ang pulis Maynila na nabaril ng hindi pa kilalang riding in tandem sa Pasay kaninang umaga.

Namatay pagsapit sa San Juan de Dios Hospital ang biktima bunga ng tatlong tama ng bala sa katawan at dalawa sa ulo na kinilalang si PO2 Joselito Lapuz, nakatalaga sa Manila Police Traffic Bureau.

Batay sa ulat ni SPO Allan Valdez ng Pasay City Police Criminal Investigation Division, bago ang pamamaril, sinita ni Lapuz ang mga suspek na  magka-angkas sa isang motorsiklo.

Habang sinisita ng biktima, pinaharurot ng suspek ang sinasakyang motorsiklo hanggang maabutan sila ni Lapuz sa service road ng Roxas Boulevard malapit sa Japanese Embassy dakong 9:48 ng umaga.

Nagkagitgitan pa ng suspek ang biktima at bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at pinaputukan si Lapuz na nakasay sa kulay puting Honda motorcycle na may plakang YX-6981

Nakabunot pa ng baril ang biktima at tinangkang gumanti ng putok sa mga biktima pero bumagsak ito sa naturang lugar dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Nakuha sa tabi ng service motorcycle ng biktima ang isang ID na may nakamarkang www.express na nasa pangalan ng isang Allan Centeno na hinihinalang ID ng isa sa mga suspek na nahablot ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply