Update: Residente sa palibot ng La Mesa Dam, ipinalilikas

IPINALILIKAS na ng state weather forecasters hydrologist ang mga residenteng malapit sa La Mesa Dam sa Quezon City.

Sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hydrologist Gine Nievares, na dagliang paglilikas ang kanyang irerekomenda dahil ang water level ng naturang dam ay nasa spilling level na.

Kabilang sa mga komunidad na inirekomenda ang paglilikas sa Quezon City ay ang Fairview, Forrest Hills Subdivision, ilang lugar sa Quirino Highway, Barangay Capri, Goodwill Homes, Barangay Sta. Quiteria, Brgy San Bartolome.

Sa Valenzuela naman ay ang Brgy. Ligon, na nasa North Expressway, La Huerta Subdivision.

Kabilang din ang ilan sa mga lugar sa Malabon City.

Ayon pa kay Nievarez, dalawang gate ng dam ang binuksan na para mapigilan ang pagtaas ng water levels.

Kaninang umaga lamang ay inilagay ng PAGASA ang  La Mesa Dam sa red alert status.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply