UPDATE: Signal No. 1 itinaas sa ilang lalawigan

ITINAAS na ang storm signal number 1 sa ilang lalawigan dahil sa bagyong Gener.

Kabilang sa mga lalawigan na inilagay sa signal number 1 ay ang Isabela, Cagayan kasama ang Calayan at Babuyan Group of Island at Batanes Group of Island.

Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyong Gener sa layong 250 kilometro Silangan ng Virac, Catanduanes o 450 kilometro Silangan Timog-Silangan ng Casiguran, Aurora

Taglay ni Gener ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 80 kilometro bawat oras habang kumikilos pa-Hilaga Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Ayon sa PAGASA, palalakasin ni Gener ang Hanging Habagat na siyang magpapaulan sa Katimugang Luzon, Visayas at Mindanao.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag na munang maglayag sa mga seasboard ng Central at Southern Luzon, Visayas at eastern seaboard ng Mindanao dahil sa pinagsamang epekto ng bagyo at ng Habagat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply