US-RP CARAT exercise nagsimula na

NAGSIMULA na kahapon ang  siyam na araw na Joint exercises ng United States Navy at Philippine Navy na tinatawag na Exercise Carat 2012.

Ito ay matapos ang isinagawang kick off o opening ceremony sa Bayan ng Glan, lalawigan ng Sarangani, Lungsod ng General Santos at ibang karagatan sa Mindanao. Ito ang unang pagkakakataon na ginawa ang joint exercises sa Sarangani Bay.

Ang Carat 2012 isang bilateral  training exercises ng Navigation at operation sa layuning mapalakas pa ang relasyon ng dalawang bansa at kooperasyon ng Navies at Coast Guard pagdating sa seguridad sa  karagatan at pagpapalitan ng ideya at mga gamit pangdigma.

Sa ngayon nasa Gensan at Sarangani Province na ang BRP Pampanga upang magamit sa exercises kasama na ang CG Special Operations Group, CG Anti-Terrorism Unit, Medical Team na nagmumula naman sa CG DistrictSouthern Mindanao.

Ginanap ang opening ceremony  kahapon  sa SAFFII Coumpound sa Barangay Tambler at dinaluhan nina  US Ambassador Harry Thomas, AFP Eastmincom Commander Lt. General Jorge Segovia, PCG Fleet Commander Rodolfo Isorena at marami pang mga opisyal ng AFP.

Ayon kay Navy spokesman col omar tonsay, ‘the exrcise is expected to enhance inter-oprability at the combined US and Philippine Navies and joint Navy and Coast Guard  levels and at the same time provide oportunities for sharing of tactical and doctrinal best practices.

Bukod dito ay malilinaw din umano ang kakayahan ng dalawang magka-alyadong bansa sa pagtugon sa mga kalamidad lalo na sa paglulunsad ng mga search and rescue operation lalo na sa area ng Mindanao na isang calamity and disaster prone areas, ani Tonsay.

“We can remember that Glan was hit by flashfloods just last month,” ani Tonsay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply