Kawani ng DPWH, tiklo ulit sa ‘pagtutulak’

SA kabila ng pagkakahuli ng limang ulit sa pagtutulak ng iligal na droga ay hindi pa rin nagbago ang isang utility worker ng Department of Public Works ang Highways (DPWH) matapos itong mahuli ulit habang nasa aktong binebentahan ang isang poseur buyer sa Puerto Princesa City sa Palawan.

Kinilala ni PDEA Director General  Usec. Jose S. Gutierrez  ang nahuling suspek na si Joseph Matillano, 45 anyos , casual employee ng DPWH at residente  sa Barangay New Barbacan, Roxas, Palawan.

Batay sa ulat , nakipagkasundo umano si Matillano sa bentahan ng shabu sa isang poseur buyer sa kahabaan ng Rizal Avenue, Barangay Model sa  Puerto Princesa City noong July 6,2012 .

Habang iniaabot na ang shabu sa buyer ay dito na dinakma ng pinagsanib na tauhan ng PDEA RO 4-B at lokal na pulis si Matillano.

Nakuha kay Matillano ang  dalawang plastic sachet ng shabu at drug paraphernalias at cellphone na ginamit sa transaksiyon.

Napag-alaman na si Matillano ay miyembro ng kilabot na “Commando  Brotherhood na sangkot sa kriminalidad at kalakalan sa iligal na droga.

Hindi lamang umano ni minsan nahuli si Matillano dahil limang beses na itong nahuli magmula noong 1992 , 1994, 1996, 1998 at 2000 dahil din sa iligal na droga.

Sa mga kasong kinaharap, tatlo sa mga ito ang naibasura ng korte dahil sa teknikalidad habang nakapagpiyansa  naman ito sa iba pa niyang kinakaharap na asunto .

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply