Utol ayaw paligawan: Kuya sinaksak ng suitor

KRITIKAL ang isang binata matapos pagsasaksakin ng manliligaw ng kanyang kapatid sa Caloocan City, kagabi (Hulyo 24).

Inoobserbahan sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Genile Tolentino, 22 ng Adelfa St., Bagong Barrio ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Jonathan ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi, nakita ng biktima ang nakababatang kapatid na babae na nililigawan sa kalsada ng suspek na naging dahilan upang pauwin ng una ang utol.

Nagalit ang suspek hanggang sa magtalo bago umuwi ang una subalit pagbalik ay may dalang patalim. Nang makita ang biktima na nagpapahinga malapit sa kanilang bahay ay nilapitan ito at pinagsasaksak.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa pagamutan.

Samantala, kulong naman ang isang mekaniko matapos saktan at pagbantaang papatayin ang dating ka-live-in makaraan tumangging makipagbalikan sa kanya sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Rolando Sedol, 47 ng D. Aquino St., ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Chrissia Mea Go, 43 ng Adelfa st., Bagong Barrio ng lungsod, dakong alas-3 ng madaling araw ay nagpunta sa kanilang bahay ang suspek at habang nag-uusap ay sinabutan siya at tinutukan ng screwdriver.

Bukod dito, nagbanta rin ang suspek na papatayin siya kapag hindi pumayag na makipagbalikan.

Nakatawag naman sa pulis ang Ilang kapitbahay at nang respondehan ay hindi na nanlaban ang suspek at dinala sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply