Van ng bilas ni Rep. Magsaysay kinardyak

KINARJAK ang sasakyan ng bilas ni Zambales Representative Milagros ‘Mitos’ Magsaysay at pati ang tsuper nito ay kasamang tinangay ng mga hindi nakikilalang  armadong kalalakihan sa Quezon City nitong Sabado ng  hapon.

Sinabi ng Quezon City Police District-Anti Carnapping Unit (QCPD-ACU), ang tinangay na kulay puting Toyota Grandia ay pag-aari ng sister in law ni Magsaysay na si Angel Magsaysay.

Sa ulat ng ACU, dakong alas 2:40 nitong Sabado ng hapon nang karjakin ng nga suspect ang van ng biktima habang nakaparada sa labas ng Burgundy Plaza sa may Katipunan Avenue sa Q.C.

Ayon sa mga nakasaksi, biglang sumulpot sa lugar ang mga suspect na pawang nakasuot ng bonnet at agad sumakay at tinutukan ng baril ang driver ni Angel.

Ang tsuper mismo ng Angel ang inatasang magmaneho ng van sa pagtakas ng mga suspect.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa lumulutang ang naturang drayber kaya hinala ng pulisya na maaring kasabwat ito ng mga karjacker.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply