Van sumalpok: 1 patay, 10 sugatan sa Davao

PATAY ang isa habang 10 ang sugatan makaraang sumalpok  ang pampasaherong van sa isang Sportivo sa Los Amihos Highway, Tugbok district, Davao City.

Kinilala ang namatay na si Pleminto Palarca, 52, makaraang maipit habang nakaupo sa front seat ng naturang van na minamaneho ni Ramil Monteverde, 35.

Ayon kay Monteverde, nabali ang ball joint ng L300 van kaya nawalan ito ng kontrol hanggang bumangga sa kasalubong na kotse na minamaneho naman ni Antonio Peralta.

Samantala, masuwerte namang hindi man lang nasugatan ang isang bata na pasahero ng van habang ang ina nito ay nagtamo ng mga sugat.

Nadala pa si Palarca sa Southern Philippines Medical Center ngunit binawian din ng buhay makaraan ang isang oras dahil sa matinding mga sugat sa katawan.

Kasalukuyan pa ring ginagamot ang mga pasahero habang nakatakdang  sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury at damage to property ang driver.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply