Van, SUV at bus nagkarambola, 2 todas

PATAY sa malagim na aksidente ang dalawang katao nang salpukin ng sports utility van (SUV) ang kanilang sinasakyang Tamaraw FX na sinuwag pa ng isang pampasaherong bus sa Efipanio delos Santos Avenue (EDSA) at Shaw blvd. underpass sa Mandaluyong City kaninang umaga.

Isa pa lamang sa mga biktima ang kinilala na si Jose Portaje Jr, 33, tubong San Jose del Monte, Bulacan habang ang kasama nito na namatay din agad ay wala pang pagkakakilanlan.

Sugatan din at isinugod sa hindi pa malamang ospital ang drayber ng pampasaherong bus na si Rufy Tibayan.

Hawak na ng Mandaluyong traffic police ang tsuper ng SUV na si Daniel Pineda at nakakasang sampahan ng kasong multiple charges ng reckless imprudence resulting to double homicide, serious physical injuries at damage to property.

Nang hingan ng kanyang panig, tumanggi si Pineda na magbigay ng paliwanag hinggil sa pangyayari.

Ayon sa testigong si Sandy Superable, tinatahak ng FX ang northbound lane ng EDSA nang bungguin ng rumaragasang SUV na minamaneho ni Pineda ang likod ng bahagi ng naturang sasakyan.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, napunta sa kabilang direksyon o southbound lane ng EDSA ang FX at minalas na masuwag ng pampasaherong bus na minamaneho naman ni Tibayan.

Inabot ng halos isang oras bago natanggal ng mga rescuers ang mga katawan ng mga biktima bago ito naitakbo sa pagamutan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply