Vice Mayor Duterte, pinaiimbestigahan na

BUMUO ng isang fact finding team si Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo na mag-iimbestiga sa ginawang pagpapakain ng papel ni Davao City Vice-Mayor Rodrigo Duterte sa suspek na umanoy pasimuno sa iligal na squatting kapalit ng halagang P250 bawat isa .

“I have ordered the creation of a fact-finding team which will include DILG officials from Region 11 to get to the bottom of the case. I can understand the cries against Duterte’s human rights violations but he must also be subjected through the legal process,” ayon kay Robredo .

Sa ngayon, wala pa, aniyang, natatanggap na reklamo ang DILG laban kay Vice-mayor Duterte para umusad na ang gagawing imbestigasyon na isang paglabag sa karapatang pantao pero kinakailangan pa rin na dumaan sa legal na proseso.

Nauna rito, ipinaaresto ang hinihinalang swindler na si Manolito Gayas noong July 9 matapos ireklamo ng mga informal settlers sa Davao sa pagbebenta ng pekeng dokumento para sa ipinangakong mga lote na pagtatayuan ng bahay kapalit ng pera.

Gamit ang mga pekeng dokumento, sinasabi ni Gayas na siya ay may ari ng isang foundation at nagmamay-ari ng buong Pilipinas  gamit ang pekeng desisyon ng Korte Suprema.

Kinabukasan ay pinuntahan umano ni Duterte  si Gayas sa kanyang piitan at doon ay puwersahang ipinasubo at ipinakain sa huli ang mga pekeng dokumento.

Dahil dito, umani ito ng pagkondena at protesta mula sa mga human rights advocates, kabilang na si Human Rights Commissioner Etta Rosales at Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, CBCP Episcopal Commission on Canon Law.

“I understand and sympathize with the concerns and cries of human rights groups and advocates. But we first need to have the formal complaint of Mr. Gayas and the side of vice mayor Duterte before we can make our conclusions and recommendations.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply