Video-karera ni Louie L. sa Pampanga, pader kay PD

IPAHAPYAW nating silipin itong sangkatutak na video-karera (VK) na ikinalat nitong si Louie  Laxamana   na tinatagurian bilang “VK King” ng Pampanga.

Ang area operation ng mga VK nitong si Louie ay sa San Fernando, Gua-gua, Apalit, Mabalacat at Mexico. Halos kontrolado lahat ni Louie ang operation ng mga VK sa buong lalawigan ng Pampanga.

Hindi raw ginagalaw ng sinomang kapulisan ang mga VK ni Louie dahil sa timbrado ito mula sa Provincial Director hanggang sa mga chief of police ng bawat bayan ng nasabing lalawigan.

Hindi masugpo ang talamak na operasyon ng mga video-karera ni Louie L. sa lalawigan kahit ilang beses na itong inirereklamo ng mga barangay official, religious group at magulang.

Ang nakapagtataka rito ay kung bakit tila nagbibingi-bingihan lang si Pampanga PDSupt. Edgardo Tinio sa mga reklamo kaugnay sa hindi masugpong operasyon ng mga VK sa lalawigan.

Aksyon, Supt. Tinio, kung wala kang kinalaman sa malawakang ipinamumudmod na ‘timbre’ ni Louie sa kapulisan.

Ipakita mo na hinuhuli isa-isa ang mga VK nitong si Louie Laxamana sa area ng San Fernando, Gua-gua, A-palit, Mabalacat at Mexico na sakop mo. Kilos, Supt. Tinio, at ipakita mong hindi ka ‘patong’ sa mga VK ni Louie ….

Aksyon…….

PA-LOTTENG NI DODO ‘DI MATIBAG

Patuloy pa rin ang operation ng lotteng ni Mang Dodo sa Mandaluyong.

Malakas ang lotengan ni Dodo dahil sa walang bukambibig ang mamang ito kundi si Mayor Benhur A-balos. Bukod kay Mayor Abalos ay malakas din si Mang Dodo kay EPD Director Gen. Mike Laurel kaya napananatili niya ang ope-rasyon ng  pa-lotteng nito.

Anoman ang reklamo mangyari ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@ yahoo. com.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply